つるのよめさま
Nilikha ni Natsuko Hama, Isinalarawan ni Yohei Yokoyama
文:浜 なつ子、 絵:よこやま ようへい
Noong unang panahon, may isang binatang naninirahan sa baryo sa may kabundukan.
むかし むかしの ことです。ある やまの むらに、わかものが ひとりで すんで いました。
“Sige, pupunta ako sa bundok at magpuputol ng kahoy.”
Pagkasambit ng binata sa kanyang sarili ay may bigla siyang narinig na tunog ng pagaspas.
Pak! Pak! Pak!
At may nahulog na isang bagay na puti, mula sa langit.
「さあ、きょうも やまへ きを きりに いくと するか」
バサ バサ バサ
そらから しろい ものが おちて きました。
“Ay, ito ay isang ibong tagak. Kawawa naman. May nakatusok na palaso. Tingnan ko at tutulungan kita.”
Hinugot ng binata ang palaso, at hinugasan niya ang sugat sa malinis na tubig ng ilog.
「おや、つる じゃないか。かわいそうに、やが ささって いるぞ。どれ、たすけて やろう」
わかものは つるの やを ぬいて、きれいな かわの みずで あらって あげました。そう すると つるは げんきに なりました。
“Ayan, lumipad ka na't umuwi ka na sa langit,” saad ng binata.
Binuhat ng lalaki ang tagak at itinaas niya ito patungo sa langit.
At ito ay lumipad nang mahusay at masigla.
「ほうら、そらに かえるが いい」
わかものが つるを そらに むかって もちあげると、つるは、いきおいよく とんで いきました。
Lumipas ang ilang araw, at sa isang gabi, may kumatok sa pintuan ng bahay ng binata.
“Tok! Tok! Tok!”
“Sino kaya ang dadalaw sa akin? Gabing gabi na't umuulan pa ng nyebe?” sambit ng binata.
それから なんにちか たった ばん、トン トン トン とを たたく おとが しました。
「こんな ゆきの よるに、だれ だろう?」
Pagbukas niya ng pinto, ang nakatayo doon ay isang dalagang maputi't maganda.
“Paki-usap, gawin mo akong iyong asawa,” sambit ng dalaga sa binata.
“Anong sinasabi mo? Hindi ako makapaniwala na may nais mag-asawa sa isang mahirap katulad ko,” saad ng binata na gulat na gulat.
“Kahit na ikaw ay isang mahirap, hindi po magbabago ang aking pasya. Pakiusap, patuluyin mo ako,” sambit ng dalaga.
わかものが とを あけると、いろの しろい きれいな むすめさんが たって いました。
「わたしを おまえさまの よめさまに して ください」
「なにを いうんだ。こんな びんぼうな いえに よめの くる はずがねぇ」
「びんぼう など なんでも ありません。どうか わたしを おいて やって ください」
Parang isang panaginip ang pakiramdam ng binata, at pinatuloy niya ang dalaga sa kanyang bahay.
Mula noon, nanirahan ang babae sa bahay ng lalaki, at masaya ang pamumuhay nila bilang mag-asawa.
わかものは ゆめを みて いるような きもちで、むすめさんを いえの なかに いれて あげました。むすめさんは わかものの よめさまに なり、しあわせに くらして いました。
Isang araw, sambit ng babae, “Maghahabi ako ng tela doon sa kubo. Habang ako ay gumagawa, huwag na huwag mong silipin ang loob ng kubo.”
“Oo, nangangako ako na hinding hindi ako sisilip sa iyong gagawin,” sagot ng lalaki.
ある ひの ことです。「わたしは これから となりの こやで ぬのを おります。ぬのを おって いる あいだは ぜったいに なかを みないで くださいね」
「わかった。やくそくする。ぜったいに みない」
Tak! Tak! Tak! Tak!
Naririnig ng lalaki ang tunog ng paghahabi.
Lumipas ang tatlong araw.
“Heto na po ang aking hinabing tela,” saad ng babae.
ぱったん ぱったん ぱったん ぱったん
ぬのを おる おとが きこえて きました。
そうして、みっかが すぎました。
「どうぞ、これが わたしの おった ぬのです」
“Ay, giliw ko, nangayayat ka nang husto at hapong hapo ka na.
Ngunit napakaganda naman ng iyong hinabi. Dadalhin ko ito sa bayan upang ibenta.” Saad ng lalaki.
「ああ おまえ。ずいぶんと やせて しまって。さぞ つかれただろう。
でも、なんて きれいな ぬのなんだ。よし、これを まちへ うりに いこう」
Dahil napakaganda ng hinabi ng babae, maraming nais bumili nito.
Isa sa mga mamimili ay nakasuot ng mamahaling kimono.
あまりの うつくしさに たくさんの ひとが うって くれと いいました。
その なかに、りっぱな きものを きた ひとが いました。
“Nais kong ihandog ito sa kamahalan. Pakiusap, ihabi nyo ako ng isa pang ganito. Babayaran ko kahit gaano man kataas ang halaga.” Sambit ng mamimili.
「これは、とのさまに さしあげたい ぬのだ。もう いちまい おって おくれ。おかねは いくらでも だす」
Tuwang-tuwang umuwi ang lalaki sa kanyang bahay.
“Ang tela mong hinabi ay gagawin daw kimono para sa kamahalan. Nais nilang bumili ng isa pa.”
わかものは おおよろこびで いえに かえって きました。
「あの ぬのは、おとのさまの きものに なる ことに なった。あと いちまい ほしい そうだ」
“Isa pa? Sige masusunod. Ipangako mo ulit sa akin na hinding hindi ka sisilip sa loob ng kubo.”
Pakiusap ng babae.
At pumasok sa loob ng kubo ang babae.
「もう いちまい ですか。わかりました。こんども こやの なかを ぜったいに みないで くださいね」
そうして よめさまは、こやの なかに はいって いきました。
Gayun pa man, walang sigla ang tunog ng paghahabi.
Taa…kk taa…kk Taa…kk taa…kk
“Ano kaya ang nangyari?” Bakit walang sigla ang tunog ng paghahabi? Pag-alalang sambit ng lalaki.
ところが、ぬのを おる おとに げんきが ありません。
ぱっ……たん ぱっ……たん ぱっ……たん ぱっ……たん
「どうしたんだろう。よわよわしい おとだ」
Sa lubhang pag-alala, hindi na niya matiis, at binuksan niya ang pintuan ng kubo.
Pagbukas ng pinto, ang nakita niya ay isang ibong tagak.
わかものは しんぱいで、がまん できずに、とを あけて しまいました。
すると、そこには いちわの つるが いました。
Siya ay nagbubunot ng sariling balahibo, para gamitin sa paghahabi ng tela.
“Ah, ikaw!” gulat na saad ng lalaki.
じぶんの はねを ぬいて ぬのを おって いたのです。
「あ、おまえは!」
“Oo, ako nga. Ako ang ibong tagak na tinulungan mo noon. Mula noon, hinahangaan kita, dahil sa iyong kabaitan. Ngunit ngayong nakita mo na ang tunay kong anyo, hindi na ako maaaring manatili sa tabi mo. Paalam sa iyo.”
Malungkot na paalam ng ibong tagak.
「はい。わたしは おまえさまに たすけて いただいた つるです。あの ときから、おまえさまを おしたい して いました。でも、この すがたを みられては もう おしまいです。おそばに いる ことは できません。さようなら」
Pagkatapos, ang ibong tagak ay lumipad nang mataas, at siya’y umalis nang tuluyan.
そう いって、つるは そら たかく とんで いって しまった そうです。
おくづけ
「つるのよめさま」フィリピン語(と にほん語)
文:浜 なつ子
絵:よこやま ようへい
翻訳:Aiza Toyoshima、Etsuko Desembrana
朗読:Melissa Borja
音楽:秋山裕和
企画:にほんごの会くれよん
制作:多言語絵本の会RAINBOW
「つるのよめさま」にほん語 朗読:朗読グループ・アイ
"Ang likhang ito o E-book ay protektado sa copyright at hindi maaaring baguhin o ibenta na walang pahintulot."
この作品は、販売、改作、改変できません。