はなさかじい
Isinulat ni Hama Natsuko at Yokoyama Youhei,
文:浜 なつ子、 絵:よこやま ようへい
Noong unang panahon, may matapat na matandang mag-asawa na naninirahan sa isang dakong lugar.
むかし、むかしの ことです。
ある ところに、しょうじきもの の おじいさんと おばあさんが いました。
Sila ay may alagang aso na nangangalang “Puti”. Ito ay kanilang inalagaan at itinuring sarili nilang anak.
ふたりには、しろ という なまえの いぬが いて、こどもの ように、かわいがって いました。
Isang araw, si Puti at ang matapat na lolo ay nagpunta sa bundok.
“Hukayin mo dito! Aw! Aw! Hukayin mo dito! Aw! Aw!” ang tahol ni Puti sa matapat na lolo.
Sa paghuhukay ng matapat na lolo, naglabasan ang mga ginintuang pera!
ある ひ、おじいさんと やまへ いった しろが、「ここ ほれ、わん わん。ここ ほれ、わん わん」と ほえました。
おじいさんが ほって みると、おかねが たくさん でて きました。
Ito ay nakita ng kapit-bahay nilang inggiterong lolo. Pinuntahan nito ang bahay ng matapat na lolo upang hiramin si Puti.
Pinahiram naman ng matapat na lolo si Puti kay inggiterong lolo.
それを みて いた となりに すむ よくばり じいさんが、しろを かりに やって きました。
しょうじきもの の おじいさんは しろを かして あげました。
Inutusan ng inggiterong lolo si Puti “Sige, tumahol ka. Ituro mo sa akin kung nasaan ang gintong pera.”
Pumunta naman si Puti sa bukid at pagdating doon ay tumahol, “Aw! Aw!”
Naghukay ang inggiterong lolo, ngunit ang naglabasan galing sa hukay ay mga mababahong bagay.
よくばり じいさんは しろに むかって、「さぁ、ほえろ。こばんは どこだ」
しろは はたけで、「わん わん」と ほえました。
よくばり じいさんが、ほって みると ぷーんと、くさいものが でて きました。
Sa galit ng inggiterong lolo, pinukpok niya sa ulo si Puti!
“Kyan!” ang iyak ni Puti hanggang sa ito’y nawalan ng buhay.
おこった よくばり じいさんは しろの あたまを たたきました。
「きゃん!」ひとこえ ないて、しろは しんで しまいました。
Inilibing ng matapat na mag-asawa si Puti at nagtanim sila ng puno sa libingan nito.
Sa isang sandali, ang puno ay lumaki, at ginawa nilang lusong ang kahoy nito.
しょうじきもの の おじいさんと おばあさんは しろの おはかに ちいさな きを うえました。
きは みるみる おおきくなり、ふたりは その きで うすを つくりました。
Sa paggawa nila ng malagkit, gamit ang lusong, sunud-sunod ang paglabas ng bigas, hanggang sa napuno ng bigas ang kanilang kusina!
その うすで おもちを つくと、つぎから つぎへと おこめが でて きました。だいどころは おこめで いっぱいに なりました。
Dali-dali naman hiniram ni Inggiterong lolo ang lusong.
Ngunit sa paggawa ng inggiterong lolo ng malagkit, naglabasan ang mga naggagalawang ahas.
すぐに となりの よくばり じいさんが うすを かりに やって きました。
よくばり じいさんが もちを つくと、へびが ぬるぬると でて くるでは ありませんか。
“Wah! Nakakapangilabot!” sigaw nito.
Nagalit ang inggiterong lolo at sinunog nya ang lusong.
「うわっ、きもちわるいっ!」
よくばり じいさんは おこって うすを もやして しまいました。
“Ang lusong ni Puti kong mahal ay nagmistulang abo!”
Ang malungkot na saad ng matapat na lolo.
Inipon nya ang abo at ito’y kanyang sinabog sa libingan ni Puti.
Sa kanyang pagsasabog, nagsibulan ang mga bulaklak sa paligid.
「だいじな しろの うすが はいに なって しまった」
しょうじきもの の おじいさんは がっかり。
はいを あつめて、しろの おはかに まいて あげました。
すると、そこらじゅうに はなが さきました。
Pumanik ng puno ang matapat na lolo.
“Mamulaklak, mamulaklak! Sige, mamulaklak kayong mga usbong ng tuyot na sanga ng puno!” saad niya habang sinasabog ang mga abo.
Namulaklak ang mga usbong ng Seresa at Melokoton.
おじいさんは きに のぼって、「はなさかじい、はなさかじい。さぁさ、かれきに はなを さかせましょう」と いいながら、はいを まきました。さくらや ももの はなが いっぱい さきました。
Habang nangyayari yuon, ang hari ay napadaan.
“Ito ay napakahusay!” puri ng hari sa matapat na lolo.
Dahil sa kahusayang ginawa ng matapat na lolo, siya ay binigyan ng gantimpala ng hari.
そこに、おとのさまが とおりかかりました。
「これは みごとだ」
おとのさまは しょうじきもの の おじいさんに ごほうびを あげました。
Nakita ng inggiterong lolo ang lahat ng pangyayaring ito kaya inipon niya ang abo.
Dali-dali siyang pumanik ng puno.
“Mamulaklak, mamulaklak! Sige, mamulaklak kayong mga usbong ng tuyot na sanga ng puno!” saad ng inggiterong lolo habang nagsasabog ng abo.
これを みた よくばり じいさんは、はいを あつめました。すぐに きに のぼって、「はなさかじい、 はなかさじい。さぁさ、 かれきに はなを さかせましょう」と いいました。
Nakita siya ng hari at inutusan ito, “Ikaw! Pamulaklakin mo ang mga usbong ng mga tuyot na sanga ng puno!”
“Opo! masusunod po, Kamahalan!” sagot niya sa hari.
“Hoyyyy! Hoy!” ang utos niya sa puno.
Ngunit wala man lang sumibol kahit na isang bulaklak.
おとのさまは、よくばり じいさんに いいました。
「そこの はなさかじい。かれきに はなを さかせて みよ」
「ははっ、かしこまりました。そうれ、ほーい、ほい」
ところが ちっとも はなが さきません。
Gayun pa man, patuloy pa rin ang kanyang pagsabog ng abo.
Ang abo ay pumasok sa mata at ilong ng hari.
“Ikaw ay huwad!” ang sigaw ng hari; at inutusan ang kanyang tauhan, “Hulihin siya!”
Ang inggiterong lolo ay hinuli at ikinulong. Kaya ganun na lamang kasaklap ang nangyari sa kanya dahil sa paggiging inggitin.
よくばり じいさんは どんどん はいを まきました。その はいが、おとのさまの めや はなの なかに はいって しまいました。
「おまえは にせものだな。とっとと つかまえろ」
よくばり じいさんは とうとう ろうやに いれられて しまいました。
おくづけ
「はなさかじい」フィリピン語(と にほん語)
文:浜 なつ子
絵:よこやま ようへい
翻訳 :Aiza Toyoshima at Richelle Ligot
朗読:Richelle Ligot
音楽:秋山裕和
企画:にほんごの会くれよん
制作:多言語絵本の会RAINBOW
協力:Etsuko Desembrana
「はなさかじい」にほん語 朗読:朗読グループ・アイ
"Ang likhang ito o E-book ay protektado sa copyright at hindi maaaring baguhin o ibenta na walang pahintulot."