Isinulat ni Natsuko Hama
Iginuhit ni Youhei Yokoyama
Ang kuwentong ito ay nangyari noong unang panahon.
May isang mangingisda na ang pangalan ay Urashima Taro.
Araw-araw, nangingisda siya sa dagat.
Gayunpaman, noong araw na iyon, natapos na lang ang buong araw, pero wala pa rin siyang nabbingwit.
"Ahh, bakit kaya at wala akong nabibingwit?"
Nagsalitang mag-isa si Urashima Taro.
Tapos, bigla na lang, naramdaman niya na parang may kumagat sa kanyang biwas.
Ubos lakas niya itong inangat at nakita niya na ang nabingwit niya ay isang napakalaking pagong.
Pero, pinakawalan din niya ito.
"Pagong, bumalik ka sa dagat, at mamuhay nang maligaya," sinabi niya sa pagong.
Noong araw na iyon, wala ni isa man lang nabingwit si Urashima Taro.
Mayamaya, nakarinig siya ng boses na tumawag sa kanya ng, "Mang Urashima."
Ang napakalaking pagong na nabingwit niya pala ang tumawag sa kanya.
"Ako po ay isang lingkod ng prinsesa Otohime sa palasyo ng dragon sa loob ng dagat.
Dadalhin ko po kayo hanggang sa palasyo ng dragon. Sige po, sumakay po kayo sa likod ko."
Pagkatapos sumakay ni Urashima Taro sa likod ng pagong, sumisid ito patungo sa ilalim ng dagat.
Hindi nagtagal, nakita ni Urashima ang palasyo ng dragon na nagkikislap-kislapan.
Maraming isda ang nagsasayawan.
"Tignan po ninyo, masasaya po ang mga isda na bumabati sa inyo."
Inihatid ng pagong si Urashima Taro hanggang sa loob ng palasyo ng dragon.
Binati si Urashima Taro ng prinsesa Otohime na ang kagandahan ay noong lang niya nakita.
"Mang Urashima Taro. Salamat po sa pagtulong ninyo sa pagong.
Ipalagay po ninyo ang inyong sarili dito. Isipin po ninyo ng parang bahay na ninyo ito," sinabi ng prinsesa Otohime.
Mula noon, araw-araw ay namuhay nang maligaya si Urashima Taro kasama ng prinsesa Otohime.
At isang araw, pagkatapos ng 3 taon, biglang naalaala ni Urashima Taro ang kanyang nanay.
At dahil dito, bigla na lang na parang gustong bumalik ni Urashima Taro sa kanilang bahay.
Dala ng prinsesa Otohime ang isang magandang kahon, at sinabi niya kay Urashima Taro.
"Ito ay isang misteryosong kahon. Ito ay tinatawag na tamatebako." "Misteryosong kahon?" tanong ni Urashima Taro.
"Oo. Kung gusto ninyong bumalik dito, huwag po ninyong buksan ang kahon na ito," sabi ng prinsesa Otohime.
Sumakay si Urashima Taro sa likod ng pagong at bumalik siya sa kanilang bahay, pero nagulat siya nang nakita niya na wala na ang kanilang bahay.
Tamang-tama, may dumating na isang matandang babae. Tinanong niya ito.
"Saan po ba ang bahay ni Urashima Taro?"
Pagkatapos mag-isip, sabi ng matandang babae.
"Nakarinig ako ng isang kuwento noon na may isang tao na ang pangalan ay Urashima Taro na hindi na nakabalik mula sa kanyang pangingisda sa dagat. Pero, ito ay isang kuwento na 300 taon na ang nakakaraan."
"Talaga!? 300 taon?"
Sa sobrang gulat ni Urashima Taro, hindi niya alam kung ano ang dapat gawin.
"Teka, sandali lang, may kahon akong dala."
Tahimik na binuksan ni Urashima Taro ang tamatebako.
Pagkatapos niyang buksan ang kahon, dahan-dahan may lumabas na puting ulap mula sa loob nito.
Unti-unting nagbago ang anyo ni Urashima Taro.
Pumuti nang pumuti ang kanyang buhok at mga kilay hanggang siya ay naging ganap na matanda.
おくづけ
「うらしまたろう」フィリピン語
文:浜 なつ子
絵:よこやま ようへい
翻訳:山岡夏海、マリア・エラ・ナリタ
朗読:Melissa Borja
音楽:秋山裕和
企画:にほんごの会くれよん
制作:多言語絵本の会RAINBOW
"Ang likhang ito o E-book ay protektado sa copyright at hindi maaaring baguhin o ibenta na walang pahintulot."