Tuldok at tuldok

Isinulat ni Sugimoto Reiko
Iginuhit ni Fukuda Toshio at Akiko
Isinalin at isinalaysay ni Shin Maria

表紙

1 Tat

Tat nang idiin ko ang crayola ay nagkaroon ng isang tuldok.

Parang hindi maganda kung isa lang.

てん ひとつ

2 Tat tat

Tat tat pagdiin ko ay nakagawa ako ng dalawang tuldok,
Nakakatuwa! nagkaroon na siya ng kasama.

Pagdugtungin ko kaya ang dalawang tuldok,
Naging isang guhit.

てん ふたつ

3 Tat tat tat

Tat tat tat pagdiin ko ay naging tatlo ang tuldok.

Pagdugtungin, pagdugtungin.
Nakagawa ako ng tatsulok na bundok,
Makakaguhit din ako ng tatsulok na sombrero.

てん みっつ

4 Tat tat tat tat,

Tat tat tat tat,
Apat na tuldok.

Mula sa isang tuldok patungo sa isa.
Iguhit ng paikot,
Naging parisukat,
Librong may larawan ba ito?
O kaya’y panyo?

てん よっつ

5 Tat tat tat tat tat,

Tat tat tat tat tat,
Limang tuldok.

Pagdugtungin ang zigzag naging bituin!
Guhitan ng paikot bahay kaya?

てん いつつ

6 Tat tat tat tat tat tat,

Tat tat tat tat tat tat,
Anim na tuldok.

Tingnan mo naiguhit ko!
Itinago ng pagong ang kanyang ulo.
Naku po may yate sa dagat.

てん むっつ

7 Tat tat tat tat tat tat tat tat,

Tat tat tat tat tat tat tat tat,
Pitong tuldok.

Ano kaya, ano pa kaya?
Marami akong sinubukan,
Ay! Dinosaur iyan.

てん ななつ

8 Tat tat tat tat tat tat tat. . .

Tat tat tat tat tat tat tat. . .
Ang daming tuldok.

Umuulan na.

てん いっぱい

9 Naku po naging bagyo na.

Naku po naging bagyo na.
Huuuuuu, huuuuuu. . .

嵐

10 Baka kayo ilipad,

Baka kayo ilipad,
Dito, dito.

Mga tuldok sabihin sa lahat.
Magdugtong-dugtong,
Magsunod-sunod.

てんてん 整列

11 Magdikit-dikit

Magdikit-dikit, magdikit-dikit,
Ang galing nakagawa ng isang malaking bilog!
Nakaalis na ang bagyo at narito na ang araw!

お日様

12 Kami rin,

Kami rin,
Tingnan mo tat tat tat.

Maaari kapag pinagdugtong!
Kahit na ano ay maaaring gawin!

みんなで

13 Magdugtong-dugtong.

Magdugtong-dugtong.
Dumugtong tayo sa daigdig!

みんなで

14 Kami rin ngayon ay mga tuldok ng daigdig.

Kami rin ngayon ay mga tuldok ng daigdig.

てんとてん

裏表紙

裏表紙

奥付

「てんとてん」 絵本

第10回「はーと&はーと」絵本原作コンクール「優秀賞」受賞作品

作/すぎもと れいこ
絵/ふくだ としお+あきこ
2008年3月発行
発行:大阪市教育委員会
制作:大阪市立総合生涯学習センター

クレヨンで点を描いていく熊

マルチメディアDAISY版

2016年製作
企画:NPO法人おおさかこども多文化センター
   電話:06-6586-9477
   http://okotac.org/
制作:DAISYグループふじつぼ
翻訳・音訳:進マリア
助成:大阪府人権協会協働助成金事業