Isinalarawang Aklat ng Ordinansa Meguro para sa mga Bata
Kuwento ni: Yuichi Kimura Iginuhit ni: Atsuko Suzuki
“Ako'y walang silbi sa kahit ano pa man,” saad ni Timmy ang mahiyaing munting daga na laging iniisip tungkol sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan, sumikat ang isang magandang araw.
Si Timmy ay pupunta sa isang piknik kasama ang mga kaibigan.
“O kay ganda ng araw.”
Habang si Timmy ay nakahinto at nakatingala sa ganda ng kalangitan, napansin niyang siya'y naiwan ng kanyang mga kasamahan.
Tumakbo siya ng tumakbo upang ito'y kanyang abutan. Pagsapit niya sa kinaroroonan ng mga ito, napansin ni Timmy na wala man lamang nakapansin na siya ay nawala.
“Napakabagal ko kasi kung kaya't ako ay naiwan.” sambit ni Timmy sa sarili.
Nang si Timmy at ang mga kaibigan at huminto upang makapag pahinga, nagsalita si Billy Bear, “Dinalhan ko kayo ng strawberries,” at binigyan niya ang bawat isa maliban kay Timmy.
“Ano ang sa akin?” tanong ni Timmy ngunit wala pa rin siyang natanggap kahit isa.
Muli, ay nalungkot si Timmy, “Wala man lamang nakarinig sa akin. Napakaliit kasi ng aking tinig.”
Pagsapit nila Timmy sa tabing ilog, nagsimula silang maghanda ng pananghalian.
Naatasan si Timmy, Mon at Foxy na manguha ng pang gatong.
Pagkaraan na makapanguha ng maliliit na pang gatong si Timmy galing sa kakahuyan, dumating si Mon dala dala ang malaking bugkos ng pang gatong.
“Iyan lamang ba ang nakuha mo?” nanggigigil na tanong ni Mon kay Timmy.
Muli na naman nakaramdam ng pagkaawa sa sarili si Timmy, “Ako talaga ay walang silbi sapagkat ako'y napakaliit.”
Nais ni Timmy na makatulong at makapanguha ng malalaking pang gatong subalit ang mga ito ay lubhang napakabigat para sa isang maliit na daga na tulad niya.
Naglakad siya ng pa imbay imbay at pa ekis ekis sapagkat hindi niya alam kung saan siya patungo.
“Aray! tignan mo ang dinaraanan mo” pasigaw na sabi ni Foxy nang siya ay mabungo ni Timmy.
Muli ay nasabi ni Timmy sa kanyang sarili, “Napaka lampa ko kasi kung kaya't ako'y walang silbi.”
Ngunit pagkatapos,
Nakarinig si Timmy ng dumadagundong na ingay at natakot siya.
“Wala talaga akong kakayahan, sapagkat ako'y isang duwag.” naisip ni Timmy.
Sabi niya kay Mon, “Parang gusto kong pumunta sa loob ng kuwebang iyan,” at matulin niyang ginawa ito.
“Ano? Ano ang iyong sinabi?” “Hoy! huwag mong sabihin na kami lahat ang gagawa, gumawa ka!” sigaw nila Mon at Foxy kay Timmy, at nang marating na nila ang kuweba,
nagsimulang gumuho papunta sa kanila ang mga bato at lupa at sila ay napasigaw.
"Ayyy....!" “Arayyy….!” “Arayyy….!”
Nagawa nilang makapasok sa loob ng kuweba at nakaligtas sa panganib.
“Hay ligtas na tayo,” tugon ng isa.
Ngunit ang bukana ng kuweba ay ganap ng sarado.
Tila ang ulan ang nagdulot ng pag agos kung kaya't gumuho ang lupa.
Sinubukan nila Mon at Foxy na itulak ang mga dumi sa bukana ng kuweba ngunit di man lamang ito natinag.
“Ano ngayon ang ating gagawin?” sabi ng isa sa kanila.
Napaka dilim sa loob na tila ba gabi na.
Samantala, si Timmy ay nanatiling kalmante habang nagsisimulang mag hukay.
Suwerteng lumuwag ang isang bato at ito'y nahulog.
Pumasok ang liwanag na galing sa labas.
Sa maliit na butas na iyon, tama lamang ang sukat para si Timmy ay makalabas.
Lumingon si Timmy sa kanyang mga kaibigan na sa kanyang pagka mangha nakita niya sina Mon at Foxy na ibang -iba sa dating halos tiwala at alam ang gagawin, ngunit tignan mo sila ngayon.
Nagulantangan si Timmy at sinabi niya ng mahinahon na “ako'y lulusot sa maliit na butas na ito upang makahanap ng tulong.” “Umaasa kami sa iyo,” tugon nila. “Maraming salamat Timmy.”
Maingat na gumapang si Timmy patungo sa butas at sinipa ang lupa ng buong lakas at nagsimulang hanapin ang iba pang mga kaibigan.
“Kailangan ko sila matulungan!” determinadong sabi ni Timmy.
Nang sinapit ni Timmy ang tabing ilog, nakita niya si Billy Bear at ang iba pa na abala sa paghahanda ng tanghalian.
“BBBBillly Bear, may kakila-kilabot na nangyari,” sigaw na umiiyak na si Timmy.
“Mamaya na Timmy,” sagot ni Billy Bear. “Abala ako sa paghihiwa ng mga gulay.”
Pagkatapos ay sinubukan niyang sabihin kina Rabbity at Boa.
“Nagkaroon...nagkaroon ng pagguho sa lupa!” “Talaga! Mamaya na ako makikinig pagkatapos ko dito,” sabi ng dalawa kay Timmy habang papunta sa tabing ilog para maghugas ng mga plato.
Ngunit ayaw sumuko ni Timmy hanggang hindi niya nadadala ang bawat isa sa kuweba.
“Wala akong magagawa kung hindi,” at hinila niya ang buntot nila Boa at Coon ng buong lakas.
“Aray, ang sakit!” “Ano ang ginagawa mo?”
Sa halip, ay natulak si Timmy at napagulong gulong papunta sa damuhan.
“Wala talagang nakinig sa akin sapagkat ako'y walang silbi. Hay! sinabihan ko naman ang lahat ngunit parang bale wala lang sa kanila,” bulong ni Timmy habang nakatingala sa kalangitan.
Mula doon ay nakita niya ang malungkot na mukha nina Mon at Foxy na naghihintay na sila ay maligtas. Hindi niya ito maaaring iwanan.
“Kailangan ko sila iligtas kahit na ako'y nag iisa lamang!”
Agad na kinuha ni Timmy ang pala at bumalik sa kuweba.
Nang sinapit ni Timmy ang kuweba, agad siyang nagsimulang humukay sa may bukana, subalit ang dami ng dumi na kayang hukayin ng isang maliit na daga ay kaunti din.
Ganoon pa man, nagpatuloy ang maliit na daga hanggang ang kanyang mga kamay ay nasugatan at naglapnos.
Pagod na siya at gusto ng sumuko.
“Wala talaga akong silbi. Wala....”
At nang muli siyang nakaramdam ng awa sa sarili,
napansin ni Timmy na nagsisitakbo ang kanyang mga kaibigan sa paligid at naghuhukay ng mga dumi sa bukana ng kuweba.
Si Billy Bear, na may dalang malaking pala na katumbas ng kanyang laki ay nagpapala ng toneladang dumi.
Si Boa naman, na may dala din na pala ay humuhukay ng kasing bilis ng de sabog.
Dala dala naman ni Rabbity at Coon ang mga balde baldeng dumi palabas sa bukana ng kuweba.
“Aba! maganda ang kanilang ginagawa!”
Napaupo si Timmy na manghang-mangha sa ginawa ng mga kaibigan.
Di na naman niya magawang ikumpara ang kanyang sarili.
“Mabagal at malamya kasi ako at hindi makapagsalita. Maliit pa na hindi man lamang matulungan ang aking mga kaibigan. Oo! Ako'y walang silbi!.... ”
Napapikit siya sa kawalan ng pag asa.
Subalit,
“Hindi ka walang silbi,” narinig ni Timmy may nagsalita sa kanyang likuran.
Lumingon siya at nakita sina Mon at Foxy na nakatayo sa kanyang likuran.
“Ligtas na kayo!” “Oo, salamat sa iyo,” sabi ni Foxy.
“Naisip namin na dala ng iyong kaliitan ay nararamdaman mo ang kakaibang tunog sa lupa,” sabi ni Mon.
“Dahil ikaw ay maliit, alerto ka sa mga panganib at nakakalusot ka din sa maliit na butas,” dagdag ni Foxy. “Kaya ikaw ay hindi inutil at walang pakinabang. Salamat Timmy.”
“Naisip naman namin na dahil ikaw ay mapilit, mayroon ka talagang mahalagang sasabihin sa amin.”
“Kaya kami ay nag-alala at pumunta dito.”
“Oo, nagawa mo, Timmy!”
Hindi makapaniwala si Timmy sa narinig at walang nasabi.
Sa wakas, sa ilalim ng bughaw na kalangitan, ang magkakaibigan ay nagsiupo upang sabay sabay na mag salo salo ng pananghalian. Gutom na ang lahat.
“Kumain na tayo!”
At nagsigawan silang lahat ng may galak at ang tinig ni Timmy ay naririnig na ng malakas at malinaw ng lahat.
おくづけ
目黒区子ども条例のえほん 「すごいよ ねずみくん」フィリピン語
さく:きむら ゆういち
え:鈴木アツコ
翻訳:Candy Wijeyewickrema
朗読:Rajiv Abdullah
音楽:秋山裕和
企画:にほんごの会くれよん
制作:多言語絵本の会RAINBOW
"Ang likhang ito o E-book ay protektado sa copyright at hindi maaaring baguhin o ibenta na walang pahintulot."