Isinulat ni Natsuko Hama
Iginuhit ni Youhei Yokoyama
Ang kuwentong ito ay nangyari noong unang panahon.
May isang matandang lalaki na pumunta sa bundok para kumuha ng kawayan.
"Oh, may kumikislap na isang kawayan.Putulin ko kaya ito. Sige nga!"
"Ha! May isang maliit na batang babae sa loob nito." "Aalagaan namin ito ng asawa ko."
Dahan-dahan, kinuha ng matandang lalaki ang batang babae, at binalot niya ito sa kanyang kamay at umuwi sa kanilang bahay.
"Wow, napakagandang bata nito," sabi ng asawa ng matandang lalaki.
"Anong pangalan ang ibibigay natin sa kanya?" tanong ng matandang babae sa kanyang asawa.
"Tatawagin natin siya na Kaguyahime."
Mula ng dumating si Kaguyahime sa bahay ng matandang lalaki, may katakatakang bagay na nangyari.
Lagi na lang may lumalabas na maraming pera kapag nagpuputol ng kawayan ang matandang lalaki.
Agad agad na naging mayaman ang matandang mag-asawa.
Hindi nagtagal, lumaki si Kaguyahime.
Kumalat ang tsismis tungkol kay Kaguyahime at ang kagandahan nito sa buong lugar.
Maraming mga binata ang dumating para mag-alok ng kasal sa kanya.
Pero, tinanggihan silang lahat ni Kaguyahime.
Lumipas ang 3 taon. "Kaguyahime, bakit ka umiiyak kapag tinitingnan mo ang buwan?"
"Mahal naming Kaguyahime, bakit ka malungkot?" tanong ng matandang lalaki.
Sa wakas, sumagot na si Kaguyahime.
"Ako ay hindi isang tao sa mundong ito. Ako ay nagmula sa buwan. Pag bilog ng buwan, kailangan kong bumalik doon."
"Oh Kaguyahime, ano ba ang pinagsasabi mo?" tanong ng matandang lalaki.
"Ako rin, gusto ko pang manatili sa tabi ninyo.
Hiningi ko sa hari ng buwan na payagan ako na dito na tumira sa inyo, pero hindi niya ako pinahintulutan."
Sa kalungkutan, umiyak si Kaguyahime dahil alam niya na hindi na niya makikita uli ang matandang mag-asawa.
At dumating ang araw sa pagbilog ng buwan.
Para ipagtangol si Kaguyahime mula sa hari ng buwan, maraming samurai ang naghintay sa paligid ng bahay at naghanda para sa pagdating ng hari.
Ito ay nasa alas-dose ng gabi.
Biglang nagliwang ang buong paligid ng bahay.
Maraming taong taga-buwan ang bumaba mula sa ulap.
Ipinuntirya ng mga samurai ang kanilang mga pana patungo sa mga ito, pero nawalan sila ng lakas kaya hindi nila nagawang panain ang mga taong taga-buwan.
"Lolo at lola, maraming salamat po sa lahat ng kabutihan ninyo hanggang sa mga sandaling ito. Pasensiya na po kayo na hindi ko kayo maaaring alagaan hanggang sa pagtanda ninyo."
Ipinasuot ng mga taong taga-buwan ang damit ng isang anghel kay Kaguyahime.
Pagkatapos naisuot kay Kaguyahime ang damit ng isang anghel, naglaho ang damdaming tao ni Kaguyahime tulad ng lungkot at saya.
At ganap na bumalik ang pagiging taga-buwan ni Kaguyahime.
Kasama ng mga ibang taong taga-buwan, umangat pataas nang pataas si Kaguyahime patungo sa kalawakan.
おくづけ
「かぐやひめ」フィリピン語
文:浜 なつ子
絵:よこやま ようへい
翻訳:山岡夏海、マリア・エラ・ナリタ
朗読:Melissa Borja
音楽:秋山裕和
企画:にほんごの会くれよん
制作:多言語絵本の会RAINBOW
"Ang likhang ito o E-book ay protektado sa copyright at hindi maaaring baguhin o ibenta na walang pahintulot."