Isinulat ni Hama Natsuko at Yokoyama Youhei,
Noong unang panahon, may matapat na matandang mag-asawa na naninirahan sa isang dakong lugar.
Sila ay may alagang aso na nangangalang “Puti”.
Ito ay kanilang inalagaan at itinuring sarili nilang anak.
Isang araw, si Puti at ang matapat na lolo ay nagpunta sa bundok.
“Hukayin mo dito! Aw! Aw! Hukayin mo dito! Aw! Aw!” ang tahol ni Puti sa matapat na lolo.
Sa paghuhukay ng matapat na lolo, naglabasan ang mga ginintuang pera!
Ito ay nakita ng kapit-bahay nilang inggiterong lolo.
Pinuntahan nito ang bahay ng matapat na lolo upang hiramin si Puti.
Pinahiram naman ng matapat na lolo si Puti kay inggiterong lolo.
Inutusan ng inggiterong lolo si Puti “Sige, tumahol ka. Ituro mo sa akin kung nasaan ang gintong pera.”
Pumunta naman si Puti sa bukid at pagdating doon ay tumahol, “Aw! Aw!”
Naghukay ang inggiterong lolo, ngunit ang naglabasan galing sa hukay ay mga mababahong bagay.
Sa galit ng inggiterong lolo, pinukpok niya sa ulo si Puti!
“Kyan!” ang iyak ni Puti hanggang sa ito’y nawalan ng buhay.
Inilibing ng matapat na mag-asawa si Puti at nagtanim sila ng puno sa libingan nito.
Sa isang sandali, ang puno ay lumaki, at ginawa nilang lusong ang kahoy nito.
Sa paggawa nila ng malagkit, gamit ang lusong, sunud-sunod ang paglabas ng bigas, hanggang sa napuno ng bigas ang kanilang kusina!
Dali-dali naman hiniram ni Inggiterong lolo ang lusong.
Ngunit sa paggawa ng inggiterong lolo ng malagkit, naglabasan ang mga naggagalawang ahas.
“Wah! Nakakapangilabot!” sigaw nito.
Nagalit ang inggiterong lolo at sinunog nya ang lusong.
“Ang lusong ni Puti kong mahal ay nagmistulang abo!”
Ang malungkot na saad ng matapat na lolo.
Inipon nya ang abo at ito’y kanyang sinabog sa libingan ni Puti.
Sa kanyang pagsasabog, nagsibulan ang mga bulaklak sa paligid.
Pumanik ng puno ang matapat na lolo.
“Mamulaklak, mamulaklak! Sige, mamulaklak kayong mga usbong ng tuyot na sanga ng puno!” saad niya habang sinasabog ang mga abo.
Namulaklak ang mga usbong ng Seresa at Melokoton.
Habang nangyayari yuon, ang hari ay napadaan.
“Ito ay napakahusay!” puri ng hari sa matapat na lolo.
Dahil sa kahusayang ginawa ng matapat na lolo, siya ay binigyan ng gantimpala ng hari.
Nakita ng inggiterong lolo ang lahat ng pangyayaring ito kaya inipon niya ang abo.
Dali-dali siyang pumanik ng puno.
“Mamulaklak, mamulaklak! Sige, mamulaklak kayong mga usbong ng tuyot na sanga ng puno!” saad ng inggiterong lolo habang nagsasabog ng abo.
Nakita siya ng hari at inutusan ito, “Ikaw! Pamulaklakin mo ang mga usbong ng mga tuyot na sanga ng puno!”
“Opo! masusunod po, Kamahalan!” sagot niya sa hari.
“Hoyyyy! Hoy!” ang utos niya sa puno.
Ngunit wala man lang sumibol kahit na isang bulaklak.
Gayun pa man, patuloy pa rin ang kanyang pagsabog ng abo.
Ang abo ay pumasok sa mata at ilong ng hari.
“Ikaw ay huwad!” ang sigaw ng hari; at inutusan ang kanyang tauhan, “Hulihin siya!”
Ang inggiterong lolo ay hinuli at ikinulong.
Kaya ganun na lamang kasaklap ang nangyari sa kanya dahil sa paggiging inggitin.
おくづけ
「はなさかじい」フィリピン語
文:浜 なつ子
絵:よこやま ようへい
翻訳 :Aiza Toyoshima at Richelle Ligot
朗読:Richelle Ligot
音楽:秋山裕和
企画:にほんごの会くれよん
制作:多言語絵本の会RAINBOW
協力:Etsuko Desembrana
"Ang likhang ito o E-book ay protektado sa copyright at hindi maaaring baguhin o ibenta na walang pahintulot."