Kendi 

あめだま 

Isinulat ni Niimi Nankichi
作(さく):新美(にいみ)南(なん)吉(きち)、 絵(え):いのう みどり


1

Isang mainit-init na araw ng tagsibol iyon.
Isang babaeng manglalakbay kasama ang dalawa niyang maliliit na mga anak ang sumakay sa isang bangka.

春(はる)の あたたかい 日(ひ)の こと、わたし舟(ぶね)に 二(ふた)人(り)の 小(ちい)さな 子(こ)どもを 連(つ)れた 女(おんな)の 旅(たび)人(びと)が 乗(の)りました。

2

Sa sandaling paalis na ang bangka, may tumawag sa kanila, "Oy! Teka muna!"
Mula sa kabilang pampang, may isang samurai na kumaway sa kanila at patakbong dumating, at tumalon sa loob ng bangka.

舟(ふね)が 出(で)ようと すると、「おうい、ちょっと 待(ま)って くれ。」と、土(ど)手(て)の 向(む)こうから 手(て)を ふりながら、さむらいが 一人(ひとり) 走(はし)って きて、舟(ふね)に 飛(と)びこみました。

3

Umalis na ang bangka.
Umupo ang samurai sa gitna ng bangka.
Dahil napakainit, inaantok ang samurai, at natulog siya.

舟(ふね)は 出(で)ました。
さむらいは 舟(ふね)の 真(ま)ん中(なか)に どっかり すわって いました。
ぽかぽか あたたかいので、そのうちに いねむりを 始(はじ)めました。

4

Mukhang napakalakas na tao ang samurai dahil sa maitim niyang bigote.
Pero, dahil antok na antok siya, patango-tango ang ulo niya.
Dahil nakatutuwang tingnan, tumawa ang mga bata.

黒(くろ)い ひげを 生(は)やして 強(つよ)そうな さむらいが、こっくり こっくり するので、子(こ)どもたちは おかしくて、ふふふと 笑(わら)いました。

5


Sinenyasan ng nanay ang mga bata na huwag maging maingay. Kasi kapag nagagalit ang isang samurai, tiyak na malaking gulo ang mangyayari.
Tumahimik ang mga bata.

お母(かあ)さんは 口(くち)に 指(ゆび)を 当(あ)てて、「だまって おいで。」と 言(い)いました。
さむらいが おこっては 大(たい)変(へん)だからです。
子(こ)どもたちは だまりました。

6

Mayamaya, sinabi ng isang bata, "Nanay, pahingi po ng kendi."
Gumaya ang isa pang bata, at sinabi na, "Nanay, ako din po."

しばらく すると 一人(ひとり)の 子(こ)どもが、「母(かあ)ちゃん、あめ玉(だま) ちょうだい。」と、手(て)を 差(さ)し出(だ)しました。すると、もう 一人(ひとり)の 子(こ)どもも、「母(かあ)ちゃん、あたしにも。」と 言(い)いました。

7

Inilabas ng nanay ang supot na papel mula sa bulsa niya sa may dibdib.
Pero isang kendi lang ang laman ng supot.

お母(かあ)さんは、ふところから 紙(かみ)の ふくろを 取(と)り出(だ)しました。
ところが、あめ玉(だま)は、もう 一(ひと)つしか ありません でした。

8

"Sa akin yan!" "Sa akin yan!" Parehong nanghingi ang mga bata.
Isa lang ang kendi, kaya nalito ang nanay.

「あたしに ちょうだい。」「あたしに ちょうだい。」 二(ふた)人(り)の 子(こ)どもは、両(りょう)方(ほう)から せがみました。あめ玉(だま)は 一(ひと)つしか ないので、お母(かあ)さんは こまって しまいました。

9

"Mabubuting mga bata kayo, diba? Kaya maghintay muna kayo. Pagdating natin sa kabila, ibibili ko kayo ng kendi."
Kahit pinagsabihan na ng nanay ang mga bata, hindi pa rin tumigil ang mga ito sa pagsabi ng
"Pahingi po! Pahingi po!"

「いい 子(こ)たちだから、待(ま)って おいで。向(む)こうへ 着(つ)いたら、買(か)って あげるからね。」と 言(い)って 聞(き)かせても、子(こ)どもたちは、「ちょうだいよう、ちょうだいよう。」と だだを こねました。

10

Ang tulog na samurai ay nagising at nakita niya ang panghihingi ng mga bata ng kendi sa kanilang nanay. Nagulat ang nanay nang nakita niya na nagising ang samurai.

いねむりを して いた はずの さむらいは、ぱっちり 目(め)を 開(あ)けて、子(こ)どもたちが せがむのを 見(み)て いました。
お母(かあ)さんは おどろきました。

11

Naistorbo ang pagtulog ng samurai, kaya tiyak na galit ito sa palagay ng nanay ng mga bata.
Pinayapa ng nanay ang mga bata at sinabi sa mahinang boses na "Tumahimik kayo."
Pero ayaw sumunod ng mga bata.

いねむりを じゃまされたので、この おさむらいは おこって いるに ちがいないと 思(おも)いました。「おとなしく して おいで。」と、お母(かあ)さんは 子(こ)どもたちを なだめました。
けれど、子(こ)どもたちは 聞(き)きません でした。

12

Sa sandaling iyon, inilabas ng samurai ang espada niya, at humarap sa mag-iina.
Namutla ang nanay, tinakpan niya ang mga bata.

すると、さむらいが すらりと 刀(かたな)を ぬいて、お母(かあ)さんと 子(こ)どもたちの 前(まえ)に やって 来(き)ました。
お母(かあ)さんは 真(ま)っ青(さお)に なって、子(こ)どもたちを かばいました。

13

Inakala ng nanay na papatayin ng samurai ang mga bata na nang-istorbo ng tulog niya.
"Ilabas mo ang kendi!", sabi ng samurai.
Nginig ang kamay na iniabot ng nanay ang kendi.

いねむりの じゃまを した 子(こ)どもたちを、さむらいが きって しまうと 思(おも)ったのです。
「あめ玉(だま)を 出(だ)せ。」と、さむらいは 言(い)いました。
お母(かあ)さんは、おそるおそる あめ玉(だま)を 差(さ)し出(だ)しました。

14

Inilagay ng samurai ang kendi sa ibabaw ng gilid ng bangka, at hinati niya ito sa dalawa.
Tapos, "O ayan! Tigi-iisa kayo niyan!", baling niya sa mga bata.

さむらいは それを 舟(ふね)の へりに のせ、刀(かたな)で ぱちんと 二(ふた)つに わりました。
そして、「そうれ。」と、二(ふた)人(り)の 子(こ)どもに 分(わ)けて やりました。

15

Pagkatapos, bumalik siya sa gitna ng bangka, at natulog uli.

それから、また 元(もと)の 所(ところ)に 帰(かえ)って、こっくり こっくり ねむり 始(はじ)めました。

16

おくづけ
「あめだま」フィリピン語(ご)(と にほん語(ご))
さく:にいみ なんきち
え:いのう みどり
翻(ほん)訳(やく):山(やま)岡(おか)夏(なつ)海(み)
朗(ろう)読(どく):Melissa Borja
音楽(おんがく):秋(あき)山(やま)裕和(ひろかず)
企(き)画(かく):にほんごの会(かい)くれよん 
制(せい)作(さく):多(た)言(げん)語(ご)絵(え)本(ほん)の会(かい)RAINBOW
協(きょう)力(りょく):NPO法(ほう)人(じん) 地球(ちきゅう)ことば村(むら)
にほん語(ご)朗(ろう)読(どく):塚(つか)崎(さき)美(み)津(つ)子(こ) 

17

"Ang likhang ito o E-book ay protektado sa copyright at hindi maaaring baguhin o ibenta na walang pahintulot."
この作(さく)品(ひん)は、販(はん)売(ばい)、改(かい)作(さく)、改(かい)変(へん)できません。