Nilathala ng: Siyudad ng Meguro
Isang gabi, nanaginip si Kanta.
“Tulong!!!” Sigaw ni Float, ang Osong Puti.
“Anong nangyari, Float?”
Tanong ni Kanta.
“Habang ako’y natutuwa sa tanawin, hindi ko namalayang naglaho ang mga yelo sa paligid ko”.
“Ano! Bakit naglaho ang mga yelo?”
Gulat na tanong ni Kanta.
“Alam ko!” tugon ni Kyoko, ang ate ni Kanta, habang ito’y parating.
“Dahil ito sa carbon dioxide. Hindi natin ito nakikita, ngunit ito’y humahatak ng mga maiinit na bagay”.
“Kapag madaming carbon dioxide, umiinit ang mundo”.
Patuloy ni Kyoko.
“Napakadaming carbon dioxide na kaya nitong tumunaw ng bulubunduking tipak ng yelo sa dagat. Pero, bakit po napakadaming carbon dioxide?”
Tanong ni Kanta.
“Maraming dahilan. Ang paggamit ng sobrang elektrisidad at gas ay nagpapadami ng carbon dioxide. Ang elektrisidad na ating ginagamit ay galing sa pagsunog ng mga bagay-bagay.
Ito ang nagpapakawala ng carbon dioxide”.
Matalinong sagot ni Kyoko.
“Kung hindi tayo gagamit ng elektrisidad, kailangan nating magsindi ng kandila at hindi din tayo makakakain ng paboritong nating sorbetes. At hindi rin tayo makakalaro”.
Nang sinabi ni Kyoko ito, nalungkot at nagsimulang umiyak si Kanta.
Inalo ni Float ang umiiyak na si Kanta.
“Kanta, kung lahat tayo ay magtititipid sa paggamit ng elektrisidad, mababawasan natin ang carbon dioxide”.
“Talaga? Kung ganoon, mag-isip tayo ng mga paraan para mabawasan ang carbon dioxide”.
“Hmmm … Ah! Naalala ko po ang sabi sa amin ng guro namin sa kindergarten na patayin ang mga ilaw sa loob ng mga silid aralan kapag hindi ito ginagamit”, sabi ni Kanta.
“Kanta, bakit hindi mo bawasan ang oras mo sa paglalaro at panonood ng telebisyon?
At, palagi mong hugutin ang saksakan pagkatapos mo itong gamitin”, istriktong sambit ni Float.
“At isa pa, huwag mong iwanang nakabukas ang pinto ng ref. Lumalabas ang lamig nito”, dagdag pa ni Kyoko.
“Panatilihin mo nasa katamtamang temperatura lang ang aircon. At kapag tayo’y nagsusunog ng basura, lumalabas ang carbon dioxide. Kaya subukan din nating mabawasan ang basura”, sabi ni Float.
“Ang basura ay dapat sa basurahan. Pero ang mga babasagin at plastik na bote ay maaari pang gamitin, kaya’t sila’y hindi basura”, sabi ni Kyoko.
“Salamat naman! Pati tayo, mababawasan natin ang carbon dioxide!”, ngiti ni Kanta.
Nang biglang, “Kanta, gising na! Oras na para pumasok sa kindergarten”.
Ito’y boses ng kanyang ina na gumigising sa kanya.
“Magandang umaga po!” Maganda ang gising ni Kanta.
“Itay, masyado pong malamig ang aircon. Ilagay po kaya natin sa katamtamang temperatura?”
“Inay, nakalimutan nyo pong nakabukas ang ilaw sa kusina”.
“Ate Kyoko, papatayin ko po ang telebisyon”, nagmamalaking sabi ni Kanta.
Tapos, “Kanta, huwag mong iwan na nakabukas ang pinto ng ref”.
Itinuro ng lahat kay Kanta.
Natawa ang lahat sa natatarantang si Kanta at siya din ay natawa.
“Ngayon, panatag na ang aking loob”.
Bumalik si Float sa paghanap ng bagong tipak ng yelo.
Madami pa tayong magagawa:
● Magtipid sa paggamit ng mainit na tubig sa pamamagitan ng pagligo nang hindi sabay sabay.
● Magdala ng sariling lalagyan kapag namimili.
● Subukan huwag magsayang ng mga bagay-bagay. (Ang pagbili ng mga hindi importanteng bagay ay nakakadagdag sa basura.)
● Sumakay sa tren o bus kaysa kotse. Magsikap tayong lahat para sa pagbuti ng ating mundo.
Lolo Pengorou
おくづけ
「しろくまフロートくんのおねがい」フィリピン語
発行:目黒区
編集:環境清掃部 環境保全課
翻訳: Candy Wijeyewickrema at Teresa Hirakawa
朗読: Melissa Borja
音楽:秋山裕和
企画:にほんごの会くれよん
制作:多言語絵本の会RAINBOW
"Ang likhang ito o E-book ay protektado sa copyright at hindi maaaring baguhin o ibenta na walang pahintulot."